34 Chief of Police sa Bicol region sinibak sa puwesto - Alamin kung bakit | Get Daily Trending and Viral topics in Politics, Showbiz, News, Sports and Entertainmen DUTERTE TODAY

0

CAMP OLA, Legazpi City — Sinibak sa puwesto ang 34 na Chief of Police (COP) sa Bicol region dahil sa “below performance” nilang trabaho sa pinaigting na kampaya kontra iligal na droga ng Philippine Natio­nal Police (PNP) ayon sa ta­gapagsalita ng Police Regional Office (PRO) 5.

Ayon kay Bicol Region PNP Spokes­person chief Insp. Malu Calu­baquib, simula ­kahapon ay ipinag-utos na ni Chief Supt. Melvin Bue­nafe, Bicol police Director ang pagsibak sa puwesto ng mga nasabing COP dahil sa mababang performance nila sa Oplan Double Barrel at Oplan Tokhang na pinamumunuan ni PNP Chief Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa.

Ayon naman kay Buenafe bagama’t napakaraming sumusukong drug personalities sa rehiyon ay hindi nakuha ang target ng Bicol PNP na mapasuko ang mara­ming top 10 drug perso­nalities sa iba’t  ibang ba­yan bukod sa ang ilan umano sa mga ito ay sangkot sa illegal drug trade.

Sa 34 na sinibak na COP sa Bicol ­region kabilang sa kanila ay nag­mula sa Albay na may bilang na anim; tig lima naman sa mga lalawigan ng Camarines Sur; Camarines Norte; Masbate at Sorsogon habang dalawang hepe naman ang mula sa Naga City.


Post a Comment

Loading...
 
Top