Babaeng pipi at bingi na gang rape sa kalye | Get Daily Trending and Viral topics in Politics, Showbiz, News, Sports and Entertainmen DUTERTE TODAY

0

Lango pa sa alak si Mark Gonzaga nang maaresto ng mga tauhan ng Caloocan City Police Community Precint I kahapon ng umaga dahil sa pang-aabuso sa isang 19-anyos na pipi’t bingi sa Biglang Awa, Brgy. 95, Lungsod ng Caloocan kasama ang dalawang barkada nito na nakatakas. (Cherk Balagtas)

Kalunos-lunos ang naging kapalaran ng babaeng pipi at bingi nang pagtulungan itong halayin sa kalye ng tatlong lalaking kapitbahay sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ng Caloocan City Police – Women and Children Protection Desk (WCPD), ganap umanong ala-una ng madaling-araw nang mangyari ang insidente sa gilid ng kalsada na tapat lamang mismo ng bahay ng isa sa mga suspek na si Mark Gonzaga, 29, walang hanapbuhay at residente ng Biglang Awa, Barangay 95 ng nasabing lungsod.

Bago ang insidente, nagkikipag-inuman umano si Gonzaga sa dalawa pa nitong kabarkada na inaalam pa ang pagkakakilanlan nang ilang sandali lang ay napadaan umano ang biktima na itinago sa pangalang Dominique, 19, pipi at bingi.

Nang makita umano ito ng mga nag-iinuman ay agad niyaya na makipaginuman sa kanila. Noong una ay ayaw pa sana ng biktima, subalit napilit din siya ni Gonzaga hanggang sa magkalasingan na nga at doon nila inumpisahang molestiyahin ang kawawang biktima.

Pinaghihipuan umano ng mga suspek sa maseselang bahagi ng katawan ang dalaga saka sapilitang pinasubo rito ang kani-kanilang mga ari. Mabuti na lamang at isang kapitbahay nila ang mayroong CCTV sa harap ng bahay nito na saktong tumingin sa kanyang monitor.

Doon nito nakita ang malaswang pinaggagagawa ng magbabarkada sa biktima, dahilan upang mabilis niyang ipaalam ito sa tiyahin ng biktima na mabilis namang nagtungo sa lugar at nang makita siya ng mga barkada ni Gonzaga ay mabilis ang mga itong nagsitakas.

Agad ding nakahingi ng saklolo ang pamilya ng biktima sa himpilan ng Caloocan PCP I na nauwi sa agarang magkakahuli kay Gonzaga na sinampahan agad ng kasong paglabag sa RA 8353 o Anti-rape law.

Patuloy pa ring pinaghahanap ang mga kasamahan ni Gonzaga na tikom ang bibig na sabihin sa awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga ito.


Post a Comment

Loading...
 
Top