‘Bato’ nag-disguise, nag-wig sa Boracay | Get Daily Trending and Viral topics in Politics, Showbiz, News, Sports and Entertainmen DUTERTE TODAY

0

Matapos ang pagbabakasyon sa Boracay sa Aklan, sumabak muli sa trabaho si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

Napag-alaman na ilang araw na nagpahinga kasama ang kanyang pamilya si Dela Rosa sa isla ng Boracay kung saan naging confidential ang itinerary nito sa pagtawid sa isla kung saan ay nag-disguise pa ito sa pamamagitan ng pagsusuot ng wig.

Sinabi ni Sr. Insp. Jess Baylon, hepe ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), kahit nagkubli pa si Dela Rosa ay nabisto rin ito dahil nakilala pa rin at inabangan ng maraming Aklanon at turistang umiidolo sa kanya pagdating sa Boracay.

Sa pananatili ni Dela Rosa kasama ang pamilya, napa-wow ito sa magandang sunset at sunrise ng Boracay gayundin sa maputi at pinung-pinong buhangin sa resort.


Post a Comment

 
Top