GOOD NEWS: System loss sa electric bill ipatatangal na | Get Daily Trending and Viral topics in Politics, Showbiz, News, Sports and Entertainmen DUTERTE TODAY

0

Upang mabawasan ang bayarin ng mga consumers sa kanilang kuryente, hindi lamang sa mga lugar na sakop ng Manila Electric Company (Meralco) kundi sa mga probinsya na sinusuplayan ng mga electric cooperatives, hiniling na ipagbawal na ipasa ng mga power distributors ang kuryenteng ninanakaw ng ilang tiwaling customers.

Sa ilalim ng House Bill 2297 na inakda ni Cagayan de Oro City Rep. Maximo Rodriguez, panahon na aniya para tanggalin sa electric bill ng mga consumers ang systems loss na ikinakarga sa kanila ng mga power distributors.

Aniya, napatunayan ng iba’t ibang think tank at international agencies na ang systems loss ang isa sa mga nagpapataas ng bayarin ng kuryente ng mga consumers sa Pilipinas dahil pinapatawan pa aniya nito ng 12% value added tax (VAT) ang kuryenteng hindi naman nila nagamit.


Post a Comment

 
Top