I don’t have to go there to prove my innocence - De Lima | Get Daily Trending and Viral topics in Politics, Showbiz, News, Sports and Entertainmen DUTERTE TODAY

0

Tulad na naunang pinaninidigan ni Senador Leila de Lima, wala umano siyang dapat na ipaliwanag kaugnay sa pagdadawit sa kanya ni Pangulong  Rodrigo Duterte sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

WATCH: Duterte sobrang gigil na gigil kay De Lima, Tapos Kna You are Finished De Lima

Kaalinsunod na rin ito sa hamon na naman ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa senadora na sagutin ang lahat ng mga ibinabatong alegasyon sa kanya tungkol sa illegal drug trade sa pamamagitan ng pagharap sa isasagawang inquiry sa mababang kapulungan ng Kongreso.

“No, why should I? Wala akong dapat na ipaliwanag, I don’t have to go there to prove my innocence, I know that I’m 100% innocent,” giit ni De Lima.

READ ALSO: Mga pinsan ni Sen. De Lima arestado dahil sa droga

Gayunpaman, dahil sa umiiral pa rin na inter-chamber courtesy ay hindi naman maaring obligahin ang senadora na padaluhin sa naturang pagdinig ng Kamara.

Samantala, bukas ay tatalakayin na rin ng ethics committee ang reklamo laban sa senadora. Ito’y makaraang magsampa ng reklamo sa komite ang isang abogado laban pa rin sa pagkakasangkot ng senadora sa droga.

Ayon kay Senate Majority Leader Vicente Sotto III, chairman ng komite, magpapatawag siya ng organizational meeting upang talakayin ang naturang reklamo.

Tiniyak naman ni Sotto na magiging patas ang imbestigasyon.

READ ALSO: President Duterte revealed De Lima has a new boyfriend,insists she was on sex video


Post a Comment

 
Top