Kerwin Espinosa ikinanta na ng isang nyang high profile pusher | Get Daily Trending and Viral topics in Politics, Showbiz, News, Sports and Entertainmen DUTERTE TODAY

0

Ibinulgar ng nahuling mag-asawang high profile pushers na ang akusadong No. 1 drug persona­lity sa Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa ang kanilang supplier.

Lalong nadiin ang nagtatagong anak ni Albuera Mayor Ronaldo Espinosa Sr. matapos ibunyag ng nasakoteng No. 2 drug personality na si Sa­rah Tan, 50, ang koneksyon nito sa kanilang mag-asawa.

“Kerwin provided us drugs supply. He promised us that he would do the rest so we would not be arrested,” pag-amin ni Tan. “There were times he would call telling me to cool down and leave the place for a while, then days after, our house were raided,” dagdag pa nito.

Kasamang nasakote ang asawa nitong si Ernesto, 54-anyos, sa isang buy-bust noong nakaraang linggo ngunit itinanggi na sa kanila ang mga nakolektang droga.
Sa kasalukuyan ay patuloy sa pakikipagtulungan ang awtoridad ng Pilipinas sa Malaysia upang matunton ang napapabalitang batang Espinosa roon.


Post a Comment

 
Top