Kongresista na sangkot sa Drug matrix pinagbabakasyon na | Get Daily Trending and Viral topics in Politics, Showbiz, News, Sports and Entertainmen DUTERTE TODAY

0

Pinayuhan ng isang mataas na lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso si Pangasinan Rep. Amado Espino na magbakasyon muna para linisin ang kanyang pangalan.

Ginawa ni House deputy speaker Fred Castro ang payo kay Espino matapos maisama ang kanyang pangalan sa drug matrix na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa drug transaction umano sa New Bilibid Prison (NBP).

“The best thing that he should do is to take a leave of absence from the House of Representatives to clear his name,” ani Castro upang hindi umano maakusahan ang mambabatas na ginagamit nito ang kanyang posisyon para linisin ang kanyang pangalan kapag hindi siya nag-leave of absence.


READ ALSO: Drug Link Matrix ng Munti Bilibid nilabas na

Sinabi pa ng House leader na kapag nagbakasyon muna si Espino ay hindi umano mapapabayaan ang kanilang mga constituent dahil tiyak na magtatalaga si House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez na mangangalaga sa kanilang distrito habang wala siya.

“The moment that he clears his name, and prove that he was not involved, his constituents and the entire country will not accuse him if using his position as a House member to defend or shield himself from accusations against him,” pahayag ni Castro.


Post a Comment

 
Top