Last days ng PNoy gov’t “very good” — SWS | Get Daily Trending and Viral topics in Politics, Showbiz, News, Sports and Entertainmen DUTERTE TODAY

0


Very good” ang grado ng mga huling araw ng panunungkulan sa Malacañang ni dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS), nakapuntos ng satisfaction rating na 66% si Aquino sa mga huling araw ng panunungkulan nito sa Malacañang.

Sinasabing 17% lamang ang hindi kuntento sa administrasyon nito.

Umaabot sa 1,200 bilang ng Pinoy ang sumalang sa survey na isinagawa sa pagitan ng Hunyo 24 at Hunyo 27.

Kaugnay nito ay nasa 17% naman ang neutral.

Binanggit pa ng SWS na ang net satisfaction ng national administration ay umangat bilang ‘very good’ o +50.

Tumaas ng 15 puntos ang final rating ni Aquino mula sa rating nito noong buwan ng Abril.

Pagdating sa usapin sa pagpapaunlad ng agham at teknolohiya, pagsusulong sa kapakanan ng overseas Filipino workers (OFWs) at pagtulong sa maralitang Pinoy ay “very good” ang rating ng Aquino administration.


Post a Comment

Loading...
 
Top