Mainit na tagpo ni Sen. Leila de Lima at wistleblower Sandra Cam sa Senado | Get Daily Trending and Viral topics in Politics, Showbiz, News, Sports and Entertainmen DUTERTE TODAY

0

Kabastusan ‘yan!

Ito ang komento ni Sen. Leila de Lima sa pag-upo ni dating Senate witness/whistleblower Sandra Cam sa kanyang likod nang umpisahan ng Senate committee on justice and human rights ang ikalawang araw ng imbestigasyon sa serye ng extrajudicial killings at summary execution sa bansa na lumobo sa administrasyong Duterte.

Pinagpiyestahan ng mga cameraman at photographer ang pag-upo ni Cam sa likod ni De Lima habang abala ang senadora sa pag-preside ng hearing. Ang puwesto ni Cam ay kalimitang inirereserba sa staff ng senador.

Nang hingan ng reaksyon bago mag-umpisa ang sesyon ng Senado, sinabi ni De Lima na “harassment” at “kabastusan” ang ginawa ni Cam.

Samantala, sa isang forum na inorganisa ng Manila City Hall Press Club sa Cherry Blossoms, nagbanta si Cam na mayroon siyang pasasabuging malaking bomba laban kay De Lima sa unang linggo ng Setyembre.

Hintayin mo na magkita tayo sa tamang panahon, tingnan ko kung sino  sa atin ang malalaglag sa upuan. Kahit sa impiyerno, sasamahan kita. - Sandra Cam


Post a Comment

Loading...
 
Top