May babala si PNP Chief Bato Dela Rosa kay Albuera Mayor Rolando Espinosa | Get Daily Trending and Viral topics in Politics, Showbiz, News, Sports and Entertainmen DUTERTE TODAY

0

Mariing itinanggi ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa na naging maluwag ito kay Alguera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Ang pahayag ni Dela Rosa ay bilang reaksyon sa umano’y mga pagbatikos na maluwag ang PNP sa mga nahuhuling bigtime drug suspect o drug lord habang marahas naman ito sa mga pipitsuging sangkot sa iligal na droga.

Giit ni Dela Rosa, hindi naman maaaring ikumpara ang mga tulak ng iligal na droga sa kaso ni Espinosa.

“May kinakaharap siyang kaso at hinihintay na lang ang warrant of arrest laban sa kanya,” wika ni Dela Rosa.

Sinabi pa ng chief PNP na sakaling may hawak na silang arrest order at may kapangyarihan na sila ay agad nilang huhulihin ang alkalde.

“Kapag nagnlaban siya matutulad din siya gaya ng mga napapatay na tulak ng droga,” pahayag pa ni Dela Rosa.


Post a Comment

 
Top