Mayor ng Midsayap, North Cotabato naglabas ng Shoot-to-kill order | Get Daily Trending and Viral topics in Politics, Showbiz, News, Sports and Entertainmen DUTERTE TODAY

0

Shoot-to-kill order ang iniutos kahapon ni Midsayap, North Cotabato Municipal Mayor Romeo Araña sa mga awtoridad laban sa mga drug pushers at mga grupong sangkot sa illegal drugs sa kanyang hurisdiksyon.

Sa kautusan ni Araña, mahigpit na direktiba nito sa mga pulis ng Midsayap na kapag akmang lalaban ang mga suspek habang isinasagawa ang Oplan Tokhang ay unahan na nila at ‘wag nang hintayin na sila pa ang madisgrasya.

“Unahan na nila, wag na nilang hintayin na sila pa ang maunahan at madisgrasya,” pahayag ni Araña na tumutukoy sa mga pulis.

Una nang iniulat na siyam ang nasawi at 16 ang nasugatan nang magsagawa ng drug raid ang mga awtoridad sa Sitio Ipil-Ipil, Barangay Nabalawag, Midsayap, North Cotabato laban sa grupo ni Moks Masgal alyas Kumander Mabrooks mula sa tinaguriang MILF lost command sa Barangay Peng Lakiman, ng Barangay Kadingilan sa Midsayap.


Post a Comment

 
Top