Nilinis na ng Kamara si dating Pangulong Benigno Aquino III sa illegal drugs | Get Daily Trending and Viral topics in Politics, Showbiz, News, Sports and Entertainmen DUTERTE TODAY

0


Tila nilinis na ng Kamara si dating Pangulong Benigno Aquino III sa illegal drugs kasunod na ihayag ng isang solon na hindi na aabot sa  Malacañang partikular noong nakaraang administrasyon ang isasagawang imbes­tigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa droga sa National Bilibid Prison (NBP).

Ito ang nabatid kay House deputy speaker Raneo Abu ng Batangas City na isa sa mga author sa House Resolution (HR) 105 para imbestigahan ang paglaganap ng droga sa Bilibid noong panahon ni Sen. Leila de Lima sa Department of Justice (DOJ).

READ ALSO: Jesse Robredo's Planned Death After Discovering About The Truth - You Must Know!

Sa isang ambush interview kay Abu, tinanong ito kung gaano kalawak ang gagawing imbestigasyon o kung lalagpas ba sa Justice department ang kakalkalin hanggang sa makarating sa palasyo noong panahon ni Aquino.

“Hindi naman, hindi aabot dun (Malacañang),” ani Abu, dahil sa mga mababang puwesto sa DOJ noong panahon ni De Lima ay marami na umano silang inaasa­hang makikita sa imbestigasyon.

“Sa baba lang, marami ka ng makikita sa baba eh. Hintayin natin, sigurado may kakanta doon,” ayon sa mambabatas.


WATCH: Pres. Duterte ipapakulong si Noy Aquino dahil sa dami ng kasalanan ng nakaraang administrasyon

Samantala, nalulungkot naman umano si Ifugao Rep. Teddy Brawner Baguilat na hindi lang extra judicial killings ang nauuso ngayon kundi extra judicial prosecution.

“Uso na ang extrajudicial prosecution. Trial by publicity,” ani Baguilat.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil bukod kay De Lima ay isinama sa drug matrix ang isa sa kanilang kasamahan sa Kamara na si Pangasi­nan Rep. Amado Espino.

WATCH: Panibagong kaso na isinampa kay Noy Aquino, kinakabahan na sa hatol, BITAY!


Post a Comment

 
Top