P630-K halaga ng shabu nasamsam sa Davao City | Get Daily Trending and Viral topics in Politics, Showbiz, News, Sports and Entertainmen DUTERTE TODAY

0


MANILA - Mahigit P634,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa bahay ng isang ginang sa Davao City Linggo ng hapon.
Ginawa umanong drug den ng suspek na si alyas "Madam," 33, ang bodega ng kanyang bahay sa Purok 19 Belosa, Barangay 76-A.

Napag-alaman ding si Madam ang pinakaunang drug suspect na inendorso ng Barangay 76-A para sumuko sa mga pulis ngayong taon.

Ayon kay Rolando Trajera, kapitan ng barangay, hindi nila inakalang babalik sa iligal na gawain ang suspek.
Depensa naman ni Madam, nagipit lang siya sa pera kaya napilitan siyang magbenta muli ng bawal na gamot.
Nakuha mula sa kanya ang 20 pakete ng hinihinalang shabu, digital weighing scale, drug paraphernalia, cellphone na ginagamit sa iligal na transaksyon at hindi tinukoy na halaga ng pera.

Samantala, nasakote rin ang dalawang lalaki sa drug buy-bust operation ng pulisya sa kalapit na Barangay Buhangin, Sabado ng gabi.

Nakuha mula sa mga suspek at magkaibigang sina Mark Tenorio at Nomer Acosta ang tig-isang pakete ng shabu at marked money P500.

Ang mga nahuling suspek sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.


Post a Comment

 
Top