Paalam 'Horror Queen' Lilia Cuntapay - alamin ang kanyang kinamatay | Get Daily Trending and Viral topics in Politics, Showbiz, News, Sports and Entertainmen DUTERTE TODAY

0

ILOCOS NORTE – Sumakabilang-buhay na sa edad na 81 si Lilia Cuntapay, ang tinaguriang "Horror Queen" ng Philippine cinema.

Yumao ang artista sa bahay ng kanyang anak na si Gilmore Cuntapay, sa Barangay Tartarabang sa bayan ng Pinili, Ilocos Norte.

Alas-sais kaninang umaga pumanaw si Cuntapay, na kinonpirma ng kanyang apo na si Elma Cuntapay-Daet.
Matatandaang nagkaroon ng sakit si Cuntapay sa kanyang spinal cord, at ito ang dahilan kung bakit siya naospital at nahirapang maglakad at makatayo.

Nasa pangangalaga siya ng kanyang mga anak noon pang nakaraang buwan.


Post a Comment

Loading...
 
Top