Plakang “8” na ginagamit ng mga kongresista ipinasusurender na | Get Daily Trending and Viral topics in Politics, Showbiz, News, Sports and Entertainmen DUTERTE TODAY

0

Hindi kuntento ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na tanging ang mga plakang 8 na inisyu noong 16th Congress pababa ang ipa-recall bagkus ay nais nito na maging ang mga inisyu ngayong 17th Congress ay dapat umanong bawiin.

Ayon kay Navotas Rep. Toby Tiangco, walang dahilan para gumamit ang mga kongresista ng protocol plate dahil kahit si Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi umano ginagamit ang kanyang plaka na No.1.

“Kung si Pangulong Duterte nga hindi ginagamit ‘yung unong plaka eh bakit naman ginagamit ang otso?” ani Tiangco, kaya nais nito na amyendahan ang memorandum na inilabas ng House Secretary General office para isama ang mga plakang 8 na inisyu ngayong 17th Congress sa ipa-recall.

Sa memorandum na inilabas ni House Secretary General Cesar Pareja, mayroon umano silang natanggap na impormasyon na isang sasakyan na may plakang 8 ang naispatan sa isang ‘indecent place’ o nasangkot sa ‘crime related activities’ kaya lahat ng mga protocol plate na ito na inisyu noong 16th Congress pababa ay ipinasusurender sa kanyang tanggapan.

Subalit ayon kay Tiangco, kailangan isama ang 17th Congress para masiguro na wala nang sasakyan na mabigyan ng pribilehiyo sa mga lansa­ngan sa Metro Manila.

Hindi lang ang mga netizens ang pabor na tanggalin na sa mga lansangan ang mga plakang “8” na ginagamit ng mga kongresista at mga staff ng mga ito kundi mismong ang mga mambabatas.


Post a Comment

 
Top