PLEASE SHARE: Balikbayan Patay sa gulpi ng tatlong lalaki, pamilya humihingi ng hustisya | Get Daily Trending and Viral topics in Politics, Showbiz, News, Sports and Entertainmen DUTERTE TODAY

0

Sa isang facebook post ni Hazel Uyan kapatid ng biktima ay himihingi po sya ng hustisya sa pagpatay sa kanyang kapatid na si Joseph. Narito ang kanyang post.

Sa Mahal na Pangulo Rodrigo Duterte:

Mahal naming Pangulo ako po ay  nananawagan at kumakatok sa inyo na bigyan po ng pansin ang ginawang brutal na pagpatay sa aking nakababatang kapatid na si JOSEPH GALANG DE JESUS. Isa po siyang OFW sa Australia at umuwi  lamang po para bumisita at makasama ang kanyang pamilya. Siya po ay nilapitan ng mga tatlong taong ito habang sya ay nakatayo sa harap ng aming tahanan at walang awang pinagbubugbog sa ulo ng mga tatlong tao na ito na mga nagngangalang Gerome F. Esguerra, Joseph Alberto S. Diaz at Vic D. Miranda. Nakakalungkot at nakakasindak  pong isipin na personal Kong nasaksihan ang  walang  awang pagpatay sa aking kapatid sa harap ng kanyang asawa, anak, mga kapatid at ng aming ina. kasama din pong nakasaksi ang mga tao sa aming sitio dito po sa Paralaya San Juan, Apalit Pampanga. Mahigit isang buwan na po ang nakalilipas at ginawa na po namin ang lahat ng nararapat naming gawin pero wala pa po nangyayari sa kaso ng aking kapatid. Patuloy pa pong nagtatago at nakakalaya ang mga taong pumaslang sa kapatid ko.
Sana po sa pamamagitan ng Facebook at social media ay maipaabot po namin ang aming problema. Humihingi lamang po kami ng Hustisya sa hindi makatarungang pagpaslang sa aming kapatid.
Sa mga makakabasa po nito nakikiusap po ako na ibahagi at maiparating po sa ating Mahal na Presidente. Maraming salamat po.


Murderer #1
Gerome F. Esguerra

Kumusta ka na? Di ka kasi mawalay sa isip ko habang lumilipas ang mga araw lalong nananariwa ang senaryo kung papaano ka nagpakawala ng lakas sa mga kamao mo at buong lakas mong  hinagupit ng paulit ulit na bugbog sa ulo ang  aking kapatid na si Joseph Galang De Jesus kasama ng amain mong si Joseph Alberto S. Diaz alias Joko na siyang pumukpok  sa ulo ng aking kapatid na gamit ang isang malaking bote at nabasag sa ulo ng aking kapatid  dahil sa lakas ng paghampas nito sa ulo nya at yun ang mga dahilan ng kanyang hagarang pagkamatay.
Kumusta naman ang buhay patago tago? Madali ba? Masaya ba? Nakakakain ka naman ba ng maayos? Nakakatulog ka pa ba ng mahimbing ngayon? Nasisiyahan ka pa rin ba? Nararandaman mo pa ba ang kasiyahang isiniwalat nyo sa kataas taasan ng boses mo ng makita ninyong nakahandusay na ang walang buhay na katawan ng aking kapatid  na kalong kalong ng kanyang nagmamakaawang asawa at maliit na anak nya , kasama ng aming ina at mga kapatid. Ipapaalala ko lang sa inyong mag tiyo kung ano ang isinigaw nyo sa iyong pagwawagi sa harap ng maraming tao sa sitio natin. "Ang laki nyang tao napatumba natin!!!! "At ang sarap pumatay ngayon!!!!" Yun ay may kasamang ngiti sa  mga mukha nyong magtiyo na sumisimbulo ng inyong kasiyahan sa pagpatay nyo sa aming kapatid .
Wala kang ideya kung gaano kasakit ang idinulot nyo sa pamilya namin, kamag anak, sa mga kaibigan, kapit bahay at sa lahat ng mga taong nakakakila sa kapatid ko na si Joseph Galang De Jesus. Napakasakit walang salita na pwedeng ilarawan ang sakit na idinulot nyo. Nasisiguro ko na hindi mo rin magugustuhan ang ganitong sakit at pakirandam. Lalung lalo na ang sakit sa isang ina na naglibing ng kanyang anak. Walang kapatawaran ang ginawa mo sa ina namin.
Gerome F. Esguerra alam mo ba noong araw na ihahatid na namin ang huling labi ng aking kapatid hinabilin ko  kayo sa kanya na ipagdasal nya kayo na maliwanagan ang isip nyo at gumawa ng naaayon sa kagustuhan ng Panginoon. Na sanay wala ng ibang taong makakaranas ng karahasan sa mga kamay na pinahiram ng Panginoon sa inyo.. Sa ngayon sa Panginoon kami kumakapit upang makayanan namin ang sakit sa pagkitil nyo sa buhay ng aming kapatid. Idinadasal namin sa Panginoon na bigyan ng HUSTISYA ang hindi makatarungang pagpatay nyo kay JOSEPH GALANG DE JESUS .


Murderer#2
Joseph Alberto S.Diaz "Alias Joko"


Joko ano ng ginagawa mo ngayon? Mahigit isang buwan ka ng patago tago? Enjoy ka ba sa laro ng buhay mo ngayon? Pang habang buhay na ba ang pagtago na yan? Ano ba ang pakirandam ng ganyang sitwasyon? Kumusta naman ang Canadian dream mo? Sabi nila papunta ka ng Canada natuwa naman ako kasi kung ganoon sana  mas madali kang madampot doon. Pero "false alarm" pala yun dahil sabi ng bayaw mo denied daw visa mo. Mabuti na rin yun at hindi na madadamay ang mga mabubuti naming kamag anak doon. 
Ikaw ba ay nakakahawak pa ng bote ngayon? Hindi ka ba nasasamid sa tuwing umiinom ka at ang gamit mo ay babasagin na bote? Hayaan mong ikwento ko sa mga tao ang nasaksihan ko. Kitang kita ko kung paano mo hinugot mula sa likod mo ang malaking bote na yun at buong pwersa mong ipinukpok sa ulo ng aking kapatid na si JOSEPH GALANG DE JESUS nabasag ito sa pagpukpok mo sa ulo nya at sabay sabay nyo na syang pinagbubugbog sa ulo.At di ka pa nasiyahan at akma mo pa syang  saksaksakin sa pinagbasagan na hawak mo. Ngunit di ka sinwerte naihilag siya ng isa sa aking nakababatang kapatid at sya namang pinuntirya mong gustong saksakin. Wala ka talagang kasiyahan at isinunod mong inuumang ang basag na bote sa aming magkakapatid kaya hindi kami makalapit habang pinupuruan sya ng bugbog sa ulo ni Gerome at sumabay ka pa uli sa pambubugbog sa ulo nya. Napakaraming mga menor de edad na mga kabataan ang nakasaksi sa karahasan ninyo at kahit kailan di na nila makakalimutan ang trauma na idinulot ninyo sa mura nilang kaisipan.

Naalala mo ba kung gaano ka kayabang sa harap ng maraming tao at sinigawan mo pa ako ng " AREGLO.... AREGLO.... halika dito at aregluhin na natin" at pinagmumura mo pa ako sa harap ng maraming tao". Nasaan ang kayabangan mo ngayon? Magagamit mo ba ngayon yan sa pag tago tago mo? Gumawa ka pa ng kontra salaysay mo na puro kasinungalingan ang nilalaman. Wala na ba talagang kabutihan na natitira sa puso mo? Hindi ka lang mamamatay tao hitik ka pa sa kasinungaling. Masyado ka ng talamak sa pag gawa ng kasamahan. 

Joko sulyapan mong mabuti ang katawan ng kapatid ko na brutal at walang awa nyong pinatay. Ilagay mo ang sarili  mo sa kinalulugaran nya sa morgeng yan at sa kinahinatnan nya sa mga kamay nyo. Sigurado ako manginginig ka sa takot na isipin mo na sa iyo nangyari yan. Masakit walang kasing sakit ang ginawa nyo sa aming kapatid. Di man kayo sumuko at mahuli sa ngayon sapat na sa akin sa ngayon ang magsulat at maipahayag ang kwento ng krimen na kinasangkutan ninyo at maibahagi ito sa mga tao. Para malaman ng mga tao ang sakit na ipinadama ninyong tatlo sa pamilya namin.
Tanging sa Panginoon lang kami kumakapit at humihingi ng lakas para makayanan namin ang sakit at pangungulila namin sa aming kapatid. At sa aming Ina na kahabag habag na nakasaksi sa pagpatay ninyo sa kanyang anak at ang pinakamasakit sya ang naglibing sa anak nya. Walang kapatawaran ang ginawa ninyong yun sa isang ina.

Kami ay patuloy na magdadasal na makamit ang hustisya para sa aming kapatid na si JOSEPH GALANG DE JESUS  at bahala na ang Diyos sa inyo sa hinaharap.

Sa mga ka DDS po natin sa isang SHARE nyo ay malaking tulong na po.


Post a Comment

 
Top