Rita Gabiola aka 'Badjao Girl' Isa na Sa Mga Teens Housemates ng PBB | Get Daily Trending and Viral topics in Politics, Showbiz, News, Sports and Entertainmen DUTERTE TODAY

0
MANILA - Naaalala ninyo pa ba si "Badjao Girl"? Ang batang babae sa mga larawang kumalat sa social media at pumukaw sa netizens dahil sa kanyang natural na ganda. 


Siya si Rita Gabiola. Mula Zamboanga, nagpalipat-lipat ang kanilang pamilya ng matitirahan dahil sa hirap ng buhay hanggang mapadpad sa Lucena, Quezon.

Nanonood siya ng prusisyon noon nang makunan ng litrato ng isang photographer. Kuwento ni Gabiola, malaki na ang nabago sa kanilang buhay matapos maging-viral ang kaniyang larawan. 

"Sobrang maayos na po ang buhay namin. Hindi na po kami naghihirap," aniya. "Nakakakain na po kami. Hindi na po kami namamalimos.

Hindi inakala ni Gabiola na sa simpleng litrato ay mag-iiba ang kanyang kapalaran. Pero mas hindi niya inasahang mapapasama sa "Pinoy Big Brother" matapos niyang tiyagain ang pila sa audition. Ani ni Gabiola, pangarap niyang mag-artista.


Post a Comment

Loading...
 
Top