Sen. De Lima paiimbistigahan na ng Kamara - Bakit? | Get Daily Trending and Viral topics in Politics, Showbiz, News, Sports and Entertainmen DUTERTE TODAY

0

Isang resolusyon na humihiling na magsagawa ng imbestigasyon sa pag­laganap ng ilegal na droga sa loob mismo ng national penitentiary sa panahon ng termino ni Sen. Leila de Lima nang ito pa ang kalihim ng Department of Justice (DOJ) ang inihain ng mga kaalyadong kongresista ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso.

Layon ng House Bill 105 na inihain ni House Speaker Pantaleon Alvarez at suportado ni House majority leader Rodolfo Fariñas at siyam pang kongresista na malaman kung paano naging ‘asylum’ ng mga drug lord ang New Bilibid Prisons (NBP) kung saan maluwag at lantaran umano ang bentahan ng ilegal na droga sa kabila ng mahigpit na pagbabantay ng mga prison guard.

Nararapat umano na magsagawa ng comprehensive investigation in aid of legislation ang House Committee on Rules sa mga ilegal na gawaing nagaganap sa NBP partikular na nang si De Lima pa ang DOJ secretary kung saan nakapailalim ang Bureau of Corrections (BuCor).

Sa kabila umano ng may 30 surprised inspection sa NBP na pinangunahan ni De Lima kung saan marami ang nakukumpiskang mga kontrabado ay tila hindi naman umano nasolusyunan ang problema sa paglaganap ng bentahan ng ilegal na droga sa piitan bagkus at lumala pa ito.

Kasunod ng paghahain ng resolusyon, sinabi ni House committee on dangerous drugs committee chairman Cong. Robert Ace Barbers na, “Puwede namin siyang (Sen. De Lima) imbitahan pero nasa sa kanya ‘yun kung pupunta siya o hindi,” dahil umano sa umiiral na parliamentary courtesy.


Post a Comment

Loading...
 
Top