Sen.De Lima iginiit na hindi sila nagpabaya sa imbestigasyon ngMamasapano Incident | Get Daily Trending and Viral topics in Politics, Showbiz, News, Sports and Entertainmen DUTERTE TODAY

0

Iginiit ni dating Justice Secretary ngayo’y Senador Leila de Lima na hindi siya nagkaroon ng kapabayaan sa Mamasapano Incident na ikinasawi ng 44 na miyembro ng PNP special action force.

Ayon kay De Lima, bunga ng kanilang mga ginawang imbestigasyon noon at paghahanap ng testigo kung bakit natukoy ng kasalukuyang liderato sa DOJ ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front o MILF at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF na dapat kasuhan kaugnay sa nangyaring madugong engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao.

Aniya, ang magiging hamon ngayon ay kung paano isisilbi ang mai-isyung warrant  of arrest laban sa mga akusado na kinabibilangan ng MILF at BIFF.

Bukod dito, sinabi ni De Lima na may posibilidad na hilingin ng prosecution panel na ilipat ang venue ng paglilitis sakaling sa Maguindanao maisampa ang kaso dahil sa isyu ng seguridad.
(DWIZ)


Post a Comment

 
Top