Unang yugto ng kampanya vs droga, tagumpay — Palasyo | Get Daily Trending and Viral topics in Politics, Showbiz, News, Sports and Entertainmen DUTERTE TODAY

0

Idineklara ng Malakanyang na tagumpay ang “first phase” ng kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

“Kung makikita po natin ‘yung first phase ng laban kontra droga ay nagwagi na tayo, ‘yung first phase po ito. Ito ‘yung susumahin natin ‘yung mahigit 700,000 na sumurrender or who turned themselves in para magpa-rehabilitate,” ayon kay Communications Secretary Martin Andanar.

Sa nakalap na data mula sa Philippine National Police (PNP) na inilabas noong Agosto 2, nabatid na umabot sa mahigit 600,000 drug users na ang sumuko.

Ayon kay Andanar, papunta na ang gobyerno sa ikalawang phase ng drug campaign na ipapaliwanag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga susunod na araw.

“Ito’y ginagawa naman ng Pangulo sa mas lalong madaling panahon. Ang pangako ng ating Pangulong Duterte ay ito ay malinis, within three to six months, mga 70 to 80 percent ay malinis na ito,” ayon kay Andanar.


Post a Comment

Loading...
 
Top