Warning ‘yan dun sa mga kritiko ni PDU30 — lady solon | Get Daily Trending and Viral topics in Politics, Showbiz, News, Sports and Entertainmen DUTERTE TODAY

0

Sinabi kahapon ni Bagong Henerasyon partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy na ang ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Sen. Leila de Lima ay tila magsisilbing ‘warning’ sa mga kritiko ng administrasyon dahil maaaring maharap din sila sa parehong sitwasyon gaya ng senadora kung babatikusin ang administrasyon

“‘Yung ginawa ng Pangulo kay Sen. De Lima will discourage people na magsalita against the administration, dahil walang preno ang Pangulo at ganu’n ang style niya ang setback lang nito ay baka matakot nang mag-critize ‘yung iba,” dagdag ni Herrera-Dy.

Pero naniniwala rin ang lady solon na hindi umabuso sa kanyang kapangyarihan ang Pangulo nang buweltahan ang kritikong senadora, “It so happened that he has information on his hands. I think it is more of a presidential prerogative coupled with courage was what the President did and not really abuse of this authority.”

Dinepensahan din ng mga miyembro ng House committee on appropriations ang ginawa ng Pangulo.

Sinabi ni Nueva Ecija Rep. Magnolia Nadres na sasabihin lahat ni Pangulong Duterte ang nais nitong sabihin, tama man o mali ang kanyang nakikita.


Post a Comment

Loading...
 
Top