We should shame China! - Senator Gordon | Get Daily Trending and Viral topics in Politics, Showbiz, News, Sports and Entertainmen DUTERTE TODAY

0


Dahil nanggaling sa China ang iligal na drogang kinaadikan ng maraming Pilipino, iginiit ng isang senador sa administrasyong Duterte na maghain ng diplomatic protest at ipahiya ang China.

Ito ang inirekomenda ni Sen. Richard Gordon matapos aminin ng mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) at Dangerous Drugs Board (DDB) na kalimitang nanggagaling sa China, Hong Kong at Taiwan ang mga iligal na droga tulad ng shabu.

“We should shame China!” giit ni Gordon.

“Kinuha na nila ‘yung lupa natin, nagpapasok pa ng iligal na droga,” diin ng senador.

Kinalampag din ng senador ang Department of Foreign Affairs (DFA) upang maghain ng diplomatic protest dahil sa pagkabigo nilang sugpuin ang illegal drugs syndicate na siyang nagpupuslit ng droga sa Pilipinas.

Matatandaan na idinaanan ni Pangulong Duterte sa “shame campaign” ang 159 personaheng sangkot umano sa iligal na droga, pero hindi naman magalaw ang bansang China na siyang pinanggagalingan ng iligal na droga.

Ipinahayag naman ni PNP chief Director General Ronald dela Rosa na nakausap na niya ang counterpart niya sa China, nang dumalo siya sa isang conference sa isang bansa sa South East Asia, at nangako naman silang tutulong sa kampanya ng administrasyong Duterte laban sa iligal na droga.


Post a Comment

 
Top