Why President Duterte is Looking For a Killer a Must Read | Get Daily Trending and Viral topics in Politics, Showbiz, News, Sports and Entertainmen DUTERTE TODAY

0
Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang pagtitipon nitong Huwebes na naghahanap siyang ng “killer” na mamumuno sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na tinawag niyang ahensiya ng pamahalaan na puno ng katiwalian.



“Itong Philippine Charity Sweepstakes [Office], it is a corrupt agency. ‘Yang mga pabingo-bingo na ‘yan, hawak nang ano — ‘yung lotto pati jueteng, ginanun nila — that is the racket,” saad ni Duterte sa kaniyang talumpati sa idinaos na environmental summit sa Davao City.
“And you would notice, I have never appointed anybody there. I am looking for a killer,” dagdag niya.

Isa sa mga dumalo sa pagtitipon ang biniro ni Duterte na itatalaga niya kung kaya nitong linisin ang PCSO.

Baka ikaw siguro, kaya mo [maging] PCSO chairman. Barilin mo lahat, you have my blessing,” anang pangulo.
“I would like to give you a warning. 

Huwag ninyo — do not F with me. Hindi ko ma-pronounce lahat, F lang pati C,” patuloy pa ni Duterte.

Nangako rin si Duterte na gagamitin niya ang nasa ang P30 bilyon hanggang P35 bilyon na kita bawat taon ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) para sa gamot at mga gamit medikal para sa mga mahihirap.

“Yung pera na 'yan bibigay ko kay [Health Secretary Paulyn] Ubial, it will solely be for the medical attention and medicine of the poor,” aniya. —FRJ, GMA News


Post a Comment

 
Top