Ex-PBA player Paul Alvarez were arrested, QCPD confirmed that he isincluded in Drug List | Get Daily Trending and Viral topics in Politics, Showbiz, News, Sports and Entertainmen DUTERTE TODAY

0

Arestado ang dating Philippine Basketball Association (PBA) player na si Paul Alvarez matapos umanong manggulo at makipagsuntukan habang nakikipag-inuman sa isang bar sa Sgt. Esguerra, kanto ng Timog Avenue sa Barangay South Triangle, Quezon City Linggo.

Base sa inisyal na imbestigasyon, kasama ni Alvarez ang kanyang live-in partner nang bigla na lamang naghamon ng gulo at sinuntok ang biktimang si John Mendoza.

Giit ni Alvarez, hindi umano siya nakainom.
Kasalukuyang nakakulong si Alvarez sa Quezon City Police District (QCPD) Station 10. Kakaharapin niya ang kasong physical injuries.

Kinumpirma rin ni Police Supt. Pedro Sanchez, hepe ng QCPD Station 10, na kabilang si Alvarez sa kanilang drug watchlist.


Post a Comment

Loading...
 
Top