WATCH: Alamin ang kwento nina lola na umantig sa puso ng marami | Get Daily Trending and Viral topics in Politics, Showbiz, News, Sports and Entertainmen DUTERTE TODAY

0

Posted by: Marie Destreza
A while ago, while I'm waiting for taxi I saw the two old women. There's one thing caught my attention.. Naibagsak nya yung hawak nya. Kinuha ko yun at nung ibinibigay ko na sana sa kanya nakita ko na pilit pa din nya kinakapa yung sahig kung saan nalaglag yung dala nya. (I told to my self na she might be blind) kaya di nya nakita na iniaabot ko na sa kanya. Hinawakan ko sya sa balikat at kamay nya para iabot yun. Nung hinawakan ko sya at nakita ko yung mukha nya bigla akong napangiti na may halong lungkot na naramdaman (coz suddenly I remembered my grandmother) tinulungan ko sya para tumayo at nung makita ko yung ginawa nila yun yung mas nagpalungkot sakin😒 inililigpit na pala nila ng kasama nya yung mga gamit na dala nila dahil palakas na yung ulan. Tinulungan ko sya na pumunta sa sisilungan nila. Habang naglalakad nakahawak lang sya sa pader. Kinakapa lang nya yung nilalakaran nya dahil hindi na sya nakakakitaπŸ˜” Pagkahatid ko sa kanya sabi nung isang matanda na kasama nya "sabi ko sayo babalikan kita .


Ang tigas ng ulo mo" (I was looking at them with teary eyed )😒 umalis na ako at bumalik ako sa harap. Habang nag hihintay ako ng taxi tinanong ko yung guard kung ano ginagawa nila don. Nagtitinda pala sila ng mga candy at tubig sa gilid ng kalsada. 73 and 69 yrs old na pala sila lola😒 Yung nakasalamin sya yung hindi na nakakakitaπŸ˜’ habang kausap ko yung Guard tumingin ako sa kanila at nakatingin yung kasama ni lola sakin.. sabay kumaway at nakangiti. Lumapit ulit ako sa kanila para personal na magtanong. Tinanong ko sila kung nasaan yung pamilya nila. Si lola na hindi na nakakakita meron syang 2 anak pero may pamilya na. Hindi daw sya kayang tulungan kaya nag hahanap buhay sya. Kahit pambili nga daw ng gamot hindi sya binibigyan😒 si lola naman na kasama nya walang anak. Ramdam na ramdam ko yung lungkot nila. Tinanong ako nila lola na nakasalamin kung ako daw ba yung tumulong sa kanya kanina sabi ko "Opo ako po yun" nagsalita ulit sya sabay sabi na "Pasensya ka na ha, hindi na kasi ako nakakakita😒 (While asking them hindi ko na namalayan na tumutulo na din pala yung luha ko. Nakita ko na umiiyak si lola na hindi na nakakakita. Sobrang nalulungkot ako)😒 Magkapatid silang dalawa. Sabi pa nga nila sila na lang daw nag damayan para mabuhay. Kinakailangan nilang maghanap buhay kahit may edad na sila para kahit papaano may pang tawid gutom. Araw araw ganito yung ginagawa nila. Minsan nga naglalakad na lang daw sila dala yung mga paninda nila😞
Sabi pa nila lola kailangan nila yun gawin para hindi sila mamalimos sa daan.Hindi ako makapaniwala na sa ganung edad nakukuha pa nila magtrabaho. Ibangon ang sarili sa umaga para maghanap buhay para din mabuhay😭
I decided to post this hoping na maging way ito para may higit na tumulong pa sa kanila. Na sana yung anak or Kamag-anak nila maisip na tulungan sila. Sila na dapat yung nagpapahinga na lang sa bahayπŸ˜”Nakakalungkot isipin na ang daming taong nagtatrabaho sa maling paraan kahit na malalakas pa naman. Ngunit may mga ganitong tao na naghahanap buhay ng marangal, pinipilit pa rin mabuhay kahit may edad na at kapansanan. They are 73 and 69 yrs old and they don't deserve this lalo na at hindi na rin nakakakita si lola😒 I wish I had enough money para mas lalo ko pa sila matulunganπŸ˜” At sana sa mga Anak na katulad ko na makakabasa pa nito, sana Mas mahalin pa natin at alagaan yung mga magulang natin. Iparamdam pa sa kanila na araw araw mahal na mahal natin sila. Because not every one had the chance to be with their parents. Kaya sana yung pag-aalaga at pag mamahal lalo na yung respeto natin sa kanila wag na wag mawawala.
PS: In front of PAG-IBIG FUND Shaw Boulevard, Barangay Kapitolyo, Pasig City, Metro Manila. (address po kung saan sila Nagtitinda)


Post a Comment

 
Top