OZAMIZ MAYOR AT VICE MAYOR NOVA PRINCESS PAROJINOG PINAARESTO NA NG SANDIGANBAYAN! | Get Daily Trending and Viral topics in Politics, Showbiz, News, Sports and Entertainmen DUTERTE TODAY

0



Ipinaaresto na ng Sandiganbayan si Ozamiz, Misamis Occidental Mayor Reynaldo Parojinog Sr. at kanyang anak na si Vice Mayor Nova Princess Parojinog-Echavez kaugnay ng kasong graft.

Ito'y matapos ibasura ng Sandiganabayan 5th Division ang hiling ng mag-ama na ibasura ang kasong isinampa sa kanila noong 2016 dahil sa umano'y maanomalyang kontrata sa pagpapagawa ng isang public gymnasium.

Sinasabing iginawad ang kontrata para sa renovation ng Ramiro Gymnasium sa Parojinog and Sons Contruction Company na pag-aari umano ng pamilya ng alkalda at bise-alkalde.
Ayon sa Sandiganbayan, may sapat na ebidensyang ipinasa ang state prosecutors para litisin ang kaso.


Post a Comment

 
Top