Sen. Trillanes ikinanta ng isang babae na sinubukang bayaran pra maging witness sa ICC | Get Daily Trending and Viral topics in Politics, Showbiz, News, Sports and Entertainmen DUTERTE TODAY

0

Dumulog sa 91.5 Brigada News FM Davao ang isang babae na sinubukan umanong suhulan upang maging witness sa International Criminal Court (ICC) laban kay President Rodrigo Duterte.

Pinangalanan ni alyas “Jana” sila Fr. Alberto Alejo, Atty. Jude Josue Sabio na siyang abogado ng self-confessed Davao Death Squad (DDS) hitman na si Edgar Matobato at isang alyas “Jonel” na staff umano ni Sen. Antonio Trillanes na nakipagkita sa kanya upang pag-usapan kung paano idiin sa isyu sa iligal na droga ang presidente sa ICC lalo’t hindi na umano umuubra ang isyu ng Extra Judicial Killings o EJK sa pangulo.

Ibinunyag din nito na si Fr. Alejo umano ang nagbigay sa kanya ng pera sa ibat-ibang pagkakataon na nagkakahalaga ng P20,000, P30,000 at sa huli P35,000 upang makapunta siya sa Manila kung saan gagawin ang karagdagan pang mga pagpupulong kung paano sirain sa International Community ang pangulo upang tumalab umano ang isinampang impeachment case laban dito.

Sinabi rin ni Jana na siya na sana ang susunod na lalantad kay SPO3 Arthur Lascañas na umanoy nabayaran din upang bumaliktad.

Kwentro din nito na aabot sa isang milyong piso ang ibabayad sa kanya kung makakapunta na siya sa ICC.

Sa pagdulog ni Jana sa Brigada News FM-Davao dala-dala nito ang umanoy mga ebidensyang magpapatunay sa kanyang inilahad na mga alegasyon kabilang na ang kanyang larawan kasama sila Fr. Alejo, Atty. Sabio at ang umanoy staff ni Sen. Trillanes na nagtrending na ngayon sa social media.
Ipinakita din nito ang umanoy soft copy ng affidavit na ginawa mismo ni Atty. Sabio para sa kanya na siya sanang gagamitin nito sa pagpunta sa ICC na ipinadala sa kanyang email address.

Di umanoy handa ng lumantad si alyas "Jana" ngunit inihahanda pa umano nito ang iba pang mga ebidensyang didiin sa kampong naninira sa pangulo.BNFM-Davao

*NAINTERBYU NG BRIGADA NEWS FM-DAVAO SI ATTY. JUDE JOSUE SABIO AT INAMIN NIYANG NAKIPAGKITA SIYA KAY ALYAS JANA. ABANGAN ANG KARAGDAGANG DETALYE, TUNE IN SA 91.5 BRIGADA NEWS FM-DAVAO

Source:  BRIGADA NEWS FM-DAVAO


Post a Comment

Loading...
 
Top