WATCH: Risa Hontiveros nagsalita sa harap ng mga bayarang taga suporta | Get Daily Trending and Viral topics in Politics, Showbiz, News, Sports and Entertainmen DUTERTE TODAY

0

Risa Hontiveros, nag salita sa harap ng kanyang mga bayarang taga suporta na mahigit isandaan ang dami.

Idinagdag na rin sa bilang ang mga usisero't usisera na pakalat-kalat at mga nagtitinda sa paligid ng Quiapo church.

Laman ng kanyang talumpati ay ang pagkontra sa Martial Law
__________________________________

(Plaza Miranda June 12 @10:22am)

Nandirito po tayo ngayon sa makasaysayang Plaza Miranda.

Nandirito po tayo ngayong araw upang gunitain ang ating kalayaan at kasarinlan, at magtayang ipagtanggol ito ng tuloy-tuloy mula sa kamay ng mga taong nais agawin nito sa atin gamit ang banta ng BATAS MILITAR.

Nandirito rin po tayo upang magpugay sa kabayanihan at pagsasakripisyo ng ating mga bayani mula pa sa panahon nina Jose Rizal at Andres Bonifacio hanggang sa ngayon na ang ating mga magigiting na sundalo at kapulisan ay lumalaban para sa buhay at kaligtasan ng ating mga kababayan sa Marawi.

Tayo po ay mag-gugunita sa kanilang lahat na pag-aalay ng kanilang sarili para sa ating bayan, at huwag po nating payagan mga kasama, na ang kabayanihan ngayon ng ating mga sundalo at kapulisan ay madungisan ng isang BATAS MILITAR na hindi tumatalima sa batas at sa konstitusyon ng ating bansa.

Sila po ay lumalaban para sa kalayaan at kaligtasan ng ating mga kababayan sa Marawi, hindi po...para sa pangarap na DIKTADURA ng isang tao.
Huwag po tayong matatakot mga kababayan, yan ang gustong mangyari ng mga BALIW NA TERORISTA, yan din ang gustong mangyari ng mga nag-aastang DIKTADOR.

Kailan man po huwag nating susukuin ang ating kalayaan at ang ating kasarinlan para sa huwad na pangako ng DIKTADURA.
Kailanman..ang DIKTADURA ay hindi maghahatid sa atin ng kapanatagan, ng kaligtasan, ni ng kaginhawaan.

Kaya huwag na huwag po tayong patatakot mga kasama, ulanin man tayo ng libu-libong FAKE NEWS, ng FAKE NEWS KING ng Padre Faura.
Takutin man nila tayo ng pekeng kaso sa kamay din ng KURYENTE KING ng Padre Faura pa rin.

Patuloy po tayong tumindig, patuloy po tayong magsalita, huwag na huwag po nating susukuin ang tradisyon na minana pa natin mula sa ating mga bayani at isinusulong ngayon ng ating mga sundalo at pulis sa Marawi sa huwad na pangako ng DIKTADURA.

Muli po mga kasama, huwag nating hahayaan na ang kabayanihan ng lahat ng ating mga bayani sa buong kasaysayan ng ating sambayanan, hanggang ba sa ngayon sa ating mga kababayang sundalo at kapulisan ay madungisan ng isang BATAS MILITAR na bumabaluktot, sumasaway sa batas at konstitusyon.

Ipaglaban po natin ang kalayaan, ang kalayaang sibil at ang demokrasya ng sambayanan. Mabuhay po mga kasama.
- Risa Hontiveros


Post a Comment

Loading...
 
Top