PNP Preps for Planned NPA Nationwide Attack Before SONA | Get Daily Trending and Viral topics in Politics, Showbiz, News, Sports and Entertainmen DUTERTE TODAY

0

Naka-alerto ang lahat ng himpilan ng PNP sa buong bansa sa possibleng malawakang pag-atake ng NPA sa mga susunod na araw bago idaos ang SONA ng Pangulo. 


Ito ay makaraang kumpirmahin kahapon ni PNP Chief PDG Ronald 'Bato' dela Rosa na mayroon pinaplanong panggugulo ang mga komunistang rebelde sa ibat-ibang panig ng bansa. 


Ayon kay Dela Rosa, maging ang mga probinsya na hindi pinamimugaran ng NPA ay target ng kanilang panggugulo. 


Magugunita na noong Lunes ibinunyag ni Dela Rosa na natuklasan ng PNP ang plano ng NPA na maglunsad ng pag-atake sa Davao bago mag-SONA upang mapahiya ang Pangulo. 


Noong Miyerkules ay nakaenkwentro at naitaboy ng 10 PSG ang halos 100 rebeldeng NPA na nagpapanggap na mga sundalo ng Task Force Davao na nagtatangkang magtayo ng iligal na checkpoint sa national highway sa Cotabato malapit sa boundary ng Davao. 


Kasunod nito kinumpirma ng militar na may na-intercept silang dokumento mula sa NPA na nag-aatas sa mga miyembro nito na maglunsad ng "simultaneous nationwide offensive" bago mag-SONA bilang pagtutol sa deklarasyon ng martial law sa Mindanao.



Post a Comment

 
Top