Gusto ko lang magbakasali na ipost ang story ng buhay ko baka sakaling maawa sakin si Lord | Get Daily Trending and Viral topics in Politics, Showbiz, News, Sports and Entertainmen DUTERTE TODAY

0


Ako po si Moises Sibayan
Kami po ay nakatira sa San Jose Del Monte Bulacan. Muzon, Lapob Lacion Phase 3b Block 7 Lot 3.
Ang nangyare po sa akin kaya ako naging ganito ay nag swimming po kase kami ng aking mga kaibigan sa cool waves bulacan bulacan.
Over night swimming yun edi naliligo kami nun tas biglang umulan ng malakas edi halos kami nalang ng mga kaibigan ko ang naliligo nung time na yun sa pool.
Wala na rin lifeguard na nagbabantay tapos nagdive ako sa pool then tumama po yung ulo ko sa bato sa ilalim ng tubig tas biglang hindi kona maigalaw buo kong katawan.
Gusto kong gumalaw at umahon pero diko magawa. Gusto kong sumigaw para humingi ng tulong pero dahil nasa ilalim ako ng tubig puro bula lang ang lumalabas sa bibig ko. Sabi ko nalang sa sarili ko Lord, bakit hindi ko po maigalaw katawan ko tulungan nyo po ako please ?
Edi ayun nga ang tagal ko na sa ilalim ng tubig medyo marami narin akong nainom na tubig at mauubusan na ako ng hininga. Pero dahil masiyahin kasi akong tao at palabiro akala ng mga kaibigan ko nagbibiro lang ako. binilangan pa nila ako, pero habang nagbibilang sila nagtaka na sila kase bakit ang tagal ko na ata sa ilalim ng tubig pero di parin ako umaahon kaya nagtaka na sila at hinanap nila ako at sa kabutihan ni Lord, sa wakas naahon ako ng mga kaibigan ko.
Pagkatapos nun dinala na ako sa ospital at ang sabi ng doctor na nagkaroon daw ng fracture spinal cord injury sa leeg ko C3 C4 C5 kaya hindi ko maigalaw buo kong katawan.
Edi yun na nga nakonfine ako ng ilaw buwan sa ospital hanggang sa wala na akong ganang kumain di nako halos kumakain nun kaya sobrang payat ko na nun at buto buto nako tapos halos araw araw pa akong nilalagnat nun at inuubo at nahihirapan na akong huminga. tapos nagkaroon pa ako ng bedsores sa puwet nung una hindi kopa nararamdaman kase nga wala ganong pakiramdam katawan ko pero nung lumaki na sobrang sakit na lalo na pag kumikirot parang hinihiwa yung puwet ko sa sobrang sakit iyak ako ng iyak nun kase ang sakit talaga gusto ko na sumuko, ayaw ko na mabuhay, sabi ko sa sarili ko lord kuhanin mo nako nahihirapan na ako.
Hindi rin ako gaano nakakatulog nun kase kung ano ano pumapasok sa isip ko kahit antok na antok na ako pero di ako makatulog.
Sabi ng doctor kay mama mamatay na raw ako at anomang oras pwede na raw akong mawala. syempre bilang isang magulang masakit na marinig yun na yung anak mo mamatay na edi umiyak sila mama at sinabi nya sa doctor hindi ka Diyos doc, May point nga naman si mama kase ang diyos lang naman talaga ang nakakaalam kung hanggang kailan tayo mawawala dito sa mundo. Ang mga doctor instrumento lang na ginagamit ng diyos. Ang ating diyos parin ang pinaka magaling ar pinak dakilang mangagamot kaya magtiwala lang tayo sa kanya dahil walang imposible sa kanya.
Kaya salamat sa panginoon kase ginamit nyang instrumento yung mga kaibigan ko para maligtas ako. Salamat kase binigyan nya pa ako ng isang pagkakataon para mabuhay. Kaya sobrang nagpapasalamat ako sa panginoon kahit na ganito nangyare sakin alam kong may dahilan at may purpose sya sa buhay ko kung bakit nya binigay sakin tong pagsubok na to sakin.
16 years old ako nung naaksidente kaya hindi na ako nag aaral. ngayon 20 years old na ako nakahiga pa rin ako sa higaan. mag aapat na taon na akong nakahiga lang sa higaan.
Hindi kase ako mapatherapy ng mga magulang ko dahil wala kaseng pera para mapatherapy ako. Kaya gusto ko lang magbakasali na ipost ang story ng buhay ko baka sakaling maawa sakin si Lord at may gamitin syang tao para mapatherapy ako at may magbigay ng tulong financial para pambili ng pampers ko or pagkain o kaya ipagdasal nyo nalang po ako malaking tulong napo yun sakin. Maraming maring salamat po. Mabuhay po kayo. Godbless!


Post a Comment

 
Top