Permanent Ban sa Pagpapadala ng OFW sa Kuwait ni Pres. Duterte | Get Daily Trending and Viral topics in Politics, Showbiz, News, Sports and Entertainmen DUTERTE TODAY

0

Ayon sa Pangulo, wala na raw mangyayaring recruitment lalo na sa mga domestic helpers na ipapadala para magtrabaho sa nasabing bansa.
“The ban stays permanently. There will be no more recruitment, especially for domestic helpers. Wala na,” sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati kanina sa Davao City.
Hinikayat din ni Pangulong Duterte ang mga Pinoy na hanggang ngayon ay nagtatrabaho pa rin sa Kuwait na umuwi na ng Pilipinas at dito nalang magtrabaho nang sa gayon ay makasisiguro sila sa kanilang kaligtasan. Handa rin daw tumulong ang gobyerno para sila ay mabigyan ng trabaho sa oras na sila ay umuwi na ng bansa.
For Filipino professionals who may wish to stay in Kuwait, there’s no problem. But at the same time, I would like them to cherish and nurture their patriotism… For Filipino household service workers, if your Kuwaiti employers want you to leave, then please come home. Your government will do its best to help you return,” sabi ng Pangulo.
Plano rin daw niyang humingi ng tulong sa China lalo na raw ngayon na nangangailangan ang nasabing bansa ng mahigit sa 100,000 English teachers.
Bukod pa dito, nangangailangan din daw ang Pilipinas ng mga manggagawa para sa “Build, Build, Build” infrastracture program ng pamahalaan.
Nilinaw naman ni Pangulong Duterte na sa kabila ng kanyang paghimok sa mga OFW na nasa Kuwait ay wala raw siyang sama ng loob sa gobyerno ng Kuwait.


Post a Comment

Loading...
 
Top